Babae ka Ni Ani Montano Inawit ng Inang Laya (Karina C. David at Rebecca A. Demetillo)

Pagtataya:
Narito ang gabay sa pagsusuri at huwag kalimutan na ilagay pa rin sa inyong ginawang blog ang mga sumusunod na sagot sa pagsusuri:
1. Paano inilarawan ang babae sa awit?
       Inilalarawan ang babae sa awit bilang hinahangad, sinasamba at ipinagtatanggol.

2. Sang-ayon ka ba sa sinabi sa awit na ang babae ay ganda lang ang pakinabang at sa 
buhay walang alam? Ipaliwanag.
      Hindi ako sang- ayon sa sinabi sa awit na ang babae ay ganda lang ang pakinabang at sa buhay ay walang alam, dahil ang babae ay isang matapang, hindi lamang ang isang lalaki, ang babae ay hindi lamang ganda ang kanyang dinadala, kundi ang kanyang kasipagan. At ang mga babae ay  mas masasalakay dahil kadalasan ay mas mababa ang kanilang kinikita at mas mababa ang katayuan nila sa trabaho, at mas malamang na sila tanging naglalaan para sa kanilang mga anak.  Ngunit bilang isang babae ako ay may pakinabang dahil nagagawa ko ang kaya ring gawin ng iba. Nakakapag isip ng mabuti, mayroong puwang sa buhay, dahil may gustong makamit, hindi lamang nakasalalay sa mga lalaki dahil magagawa rin nila ito. 

3. Magbigay ng mga halimbawang nagpapatunay na kaya ng babaeng ipaglaban ang 
kanyang karapatan at kalayaan.
        Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women. Karaniwang nilalarawan bilang International Bill for Women, kilala din ito bilang “The Women’s Convention” o ang United Nations Treaty for the Rights of Women. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na kumprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at pulitikal na larangan, kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya. Ang mga halimbawa nito ay kaya rin nilang mag trabaho kasama ang mga lalaki, halimabawa niyan ay welding, driving, pulis at iba pa. Dahil sa panahon ngayon ang mga babae ay may karapatan, hindi sila mahihina, sila ay matapang at matatag rin. Tulad na lamang ng pagtutulong sa bayan. At higit sa lahat ang pag-aalaga nila.

4. Ano-ano ang payo ng may-akda ng awit sa mga babae?
        Ang payo ng may akda sa awit ay maging matatag, wag mag pa api, dahil ang bawat isa ay pantay- pantay, lahat ay may karapatan, ipaglaban ang sarili na bilang isang babae ay may magagawa ka rin. Ipakita at gumawa ng mabuti na ikaw ay makakatulong.

5. Ayon sa awit, bakit hindi nakikita ang halaga ng mga babae? Umiiral pa rin ba sa 
kasalukuyan ang gayong akala?
          Ayon sa awit ang babae ay mahina, pagdating sa trabaho, dahil sila ay walang kakayahan, hindi nakikita ang kanilang halaga, dahil wala silang ambag sa lipunan, sila ay nasa bahay lang at puro paganda lang ang alam. Noon sa kultura na ng pinoy na ang babae ay nasa bahay lang at mag gawa ng gawaing bahay, at magbantay ng mga anak, dahil ang lalaki ang humahanap ng trabaho. Sa panahon ngayon hindi na umiiral ang kasalukuyan ang gayong akala dahil ang bawat isa ay may karapatan ng makahanap ng trabaho, ang gawain ng lalaki ay magagawa na nila. Mga mahihirap na trabaho ay alam na nila. Dahil ang babae ay lumalaban, matatag, at may silbi sa lipunan. Kaya nilang ipagmalaki na sila ay may kakayahan rin na taglay.



Comments

Popular posts from this blog

Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryoni Rolando A. BernalesMula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat

Iskwater Ni Luis G. Asuncion Mula sa Ani: Panitikan ng Kahirapan

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY Fr. Albert Alejo, SJ (Para sa sektor nating pumapatay ng tao)