SANAYAN LANG ANG PAGPATAY Fr. Albert Alejo, SJ (Para sa sektor nating pumapatay ng tao)
Gabay sa Pagsusuri
1. Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi?
Ang may-akda ang personang nagsasalita sa tula na si Fr. Albert Alejo, SJ, sa kadahilanang siya mismo ang nagsasalaysay sa kung paano ba pumaslang. Simula nang isilang tayo sa daigdig bilang tao, kasama na ring isinilang ang ating mga karapatan. Sinisiguro nito na magiging produktibo tayong bahagi ng lipunan at magiging ligtas ang pananatili saan mang bahagi ng mundo. Isa sa mga mahahalaga nating karapatan ay ang mabuhay nang tahimik o payapa. Sinisikap ng bawat pamahalaan sa mundo na mapanitili ang kaayusan at kapayapaan saan mang sulok ng daigdig. Dapat na mailayo sa kapahamakan ang bawat isa at makaiwas sa kriminalidad. Dumadaloy sa kaniyang tula ang pagsasalaysay tungkol sa pamamaraan kung paano pumatay ng isang butiki.
2. Ano’ng hayop ang pinapaslang sa tula? Paano ito natutulad sa pagpaslang sa tao?
Ang hayop na pinapaslang sa tula ay isang butiki, Ito ay maihahalintulad sa pagpaslang sa mga taong walang kaya. Halimbawa nito ay ang mga taong nalulog sa droga na nawawala sa kanyang kaisipan, hndi nya alam na may malaki itong madudulot na makakasira sa kanyang sarili, hindi nya alam na pati sarili nyang pamilya ay ginawa niyang parang kinatay na hayop. Dahil sa kahirapan yan ay magagawa nila. Mga taong salat sa buhay at mangmang sa lipunan. Mga taong takot sa mga may katungkulan at sunud-sunuran na lamang. Mga taong inaabuso ng mga may kaya at kapangyarihan sa lipunan. Mga taong lingid sa kanilang kaalaman na tinitake-advantage na sila ng mga pulitiko.
3. Ano ang ibig sabihin ng huling taludtud ng tula?
Kung hindi ako ay iba naman ang babanat;Kung hindi ngayon ay sa iba namang oras.Subalit ang higit na nagbibigay sa akin ng lakas ng loob Ay ang malalim nating pagsasamahan:Habang ako’y pumapatay, kayo nama’y nanonood. Para sa aking sariling pagpapakahulugan, ito ay nagsasabing sa kabila ng madaming pagpatay, ang mga tao ay hinahayaan lamang ito dungisan ang demokrasya, kultura, at tradisyon. Nagbubulagbulagan sa mga patayan at wala ni sinumang kumilos para pigilin ito. Dahil nya alam na sa kabila ng mga pagpapatay ay hinahayaan lang ang mga ito. Hindi isa lang ang pumapatay kundi marami pa saang sulok man ng mundo. Dahil alam ng pumapatay na wala namang may paki sa kanila gumagawa sila ng paraan upang kumitil pa ng buhay ng ibang tao.
4. Kanino iniaalay ng may-akda ang tula? Sino-sino kaya sila?
Ito ay iniaalay ng may-akda sa sector sa lipunan natin na pumapatay. Dahil sinumang umagaw sa ating mga pangangailangan o kumitil sa ating buhay ng walang dahilan ay lumabag sa ating karapatan bilang tao.
Mungkahing Gawain
1. Magsaliksik tungkol sa partikular na kaso ng pagpaslang sa panahon ng kasalukuyang administrasyon. Matapos ay gumawa ng maikling reaksyong papel hinggil sa kasong nasaliksik.
DROGA
Ang mga droga ay mga lason. Ang dami na ginamit ang makatitiyak sa resulta.Ang kaunti ay nagsisilbing pampasigla (nagpapabilis sa iyo). Ang mas marami ay nagsisilbing sedatibo (pinababagal ka). Ang mas marami pa ay nakalalason at maaaring makamatay.Ito ay totoo sa kahit anumang droga. Tanging ang daming kinakailangan para makamit ang epekto ang naiiba.Ngunit maraming droga ang may ibang panganib: ang mga ito ay direktang nakaaapekto sa isipan. Maaaring pasamain ng mga ito ang pag-unawa ng gumagamit sa nangyayari sa kanyang paligid. Bilang resulta, ang mga kilos ng taong iyon ay maaaring maging kakaiba, hindi makatwiran, hindi naaangkop at maaari pang mapanira.Hinaharangan ng mga droga ang lahat ng mga pandama, ang mga kanais-nais ay pinapalitan ngmga hindi kanais-nais. Kaya, habang nagdudulot ng panandaliang tulong sa pagpapaginhawa ng sakit, tinatanggal din ng mga ito ang kakayahan at kalistuhan at pinalalabo ang pag-iisip.Ang mga medisina ay mga drogang inilayon para mapabilis, mapabagal o mabago ang isang bagay tungkol sa paano gumagana ang iyong katawan, para subukang mapahusay ang paggana nito. Minsan ay kinakailangan ang mga ito. Ngunit ang mga ito ay mga droga pa rin, kumikilos ang mga ito bilang mga pampasigla o mga sedatibo, at ang sobra ay makamamatay sa iyo. Kaya’t kapag hindi mo gagamitin ang mga medisina tulad ng kung papaano dapat gamitin ang mga ito, maaaring maging kasing-panganib ng ilegal na mga droga ang mga ito. Libo-libong tao ang napaslang sa Pilipinas nang inilunsad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “giyera kontra droga” noong Hunyo 30, 2016, araw ng pagkakaluklok niya sa puwesto. Kabilang sa mga namatay ang dose-dosenang kabataan, 18-anyos pababa, na tinarget o aksidenteng nabaril habang may anti-drug raids. “Collateral damage” ang tawag ng mga awtoridad dito. Nasa 101 ang bilang ng napaslang na kabataan mula Hulyo 2016 hanggang Disyembre 2018, ayon sa children’s rights at nongovernmental organizations (NGOs) na tinarget o nadamay. Marami pang bata ang napaslang sa mga ulat ng media noong 2019 at 2020.Sa pangkalahatan, ang bilang hanggang Enero 31, 2020 ng Philippine National Police at ng Philippine Drug Enforcement Agency na napatay sa “drug war” ay nasa 5,601. Sa halos lahat ng kaso, giit ng pulisya, tulak o gumagamit ng droga ang napatay sa raid dahil ang mga suspek ay hindi nagpaaresto at nanlaban. Naniniwala ang Commission on Human Rights at lokal na human rights groups na libo-libo pa — tantiyang 27,000 — ang napatay ng pulisya, ahente ng pulisya, o di-kilalang assailant.
Comments
Post a Comment