Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryoni Rolando A. BernalesMula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat

Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo
ni Rolando A. Bernales
Mula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat

Ang pagiging bakla ay habambuhay
na pagkabayubay sa krus ng kalbaryo.
papasanin mo ang krus sa iyong balikat
habang naglalakad sa kung saan-saaang lansangan.
‘Di lagging sementado o aspaltado ang daan,
madalas ay mabato, maputik o masukal.
Mapalad kung walang magpupukol ng bato
o mangangahas na bumulalas ng pangungutya.
Kailangang tiisin ang matatalas na sulyap
o ang bulung-bulungan at matutunog na halakhak
‘Di kailangang lumingon pa, ‘di sila dapat kilalanin
sapagkat sila’y iba’t ibang mukha: bata, matanda
lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid,
mayaman o mahirap, kakilala o ‘di-kakilala.
Sinong pipigil sa kanila? Hindi ikaw.
Anong lakas ang mayroon ka para tumutol?
Makapaghihimagsik ka pa ba kung ang iyong mga palad
at iyong paa’y ipinako nang lipunan
sa likong kultura’t tradisyon at sa bulok na paniniwalang
nagdidiktang ang pagiging bakla ay isang kasalanan 
na nararapat na pagdusahan sa krus ng kalbaryo
kahit pa ikaw’y magpumilit na magpakamarangal?!
Marso 11, 1995
 

Gabay sa Pagsusuri 

Narito ang gabay sa pagsusuri at huwag kalimutan na ilagay pa rin sa inyong ginawang blog ang mga sumusunod na sagot sa pagsusuri:

1. Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bakit gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat?
             Ang pamagat ng tula ay tungkol sa Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo, para sa akin ang tula na yan ay nagpapakita ng paghihirap ng pagiging isang bakla, ang kanilang nararanasan na bilang isang kasapi ng komunidad na ang iba ay wala na silang respeto sa isa't isa. Ang pagkabayubay ay isang karanasan na hindi tanggap ng komunidad dahil ito ay makasalanan. Sinabi iyon ng may akda dahil maraming bakla ang naapi, ipinapakita nya rito na sila ay tao rin, may magagawa sa lipunan. Gayu
 n pa man ay dapat pa din nating irespeto ang mga taong ating pinaghihinalaan na sila ay bakla, at hindi dapat husgahan, bagkos ay tratuhin ng may pagrespeto sa kapwa. Sila ay dapat na tratuhin bilang isang tao, ng hindi tinitignan ang kasarian. 
2. Sino ang sinasabi sa tulang iba’t ibang mukha? Ano ang ginagawa nila?
            Ang sinasabi sa tulang iba't ibang mukha ay yong mga  bata, matanda, lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid,mayaman o mahirap, kakilala o ‘di-kakilala. Para sa akin ang kanilang ginagawa sa tuwing makakita sila ng bakla ay, may nagbubulungan, makaranas ng pangungutya, tinatawanan, ito ay makakasakit sa isang bakla na ang sa kanya lamang ay tumira sa mapayapang kumunidad.
3. Tukuyin ang mga sinasabi sa tulang likong kultura’t tradisyon at bulok na paniniwala.
             May iilang paghihimagsik ang nagbunga mula sa pagbaklas ng sarili sa pamantayang tinatanggap ng nakararami. Sa usapin ng Panitikang Pilipino, maraming akda ang tunay na naghimagsik sa nabubulok na pamantayan ng tradisyunalismo at konserbatismo, ang pagbatay ng akda sa porma at teknikalidad o maging ang usapin ng seks (sex) bilang isang taboo sa pamantayan ng panitikan. Dahil sa ngayon ang mga paniniwala na iyan ay kailangang sundin, halimbawa bilang isang katolliko kong ikaw ay naniniwala sa panginoon, ay mayroong mga batas na kailangang sundin, at isa na doon ang pagpapalit ng kasarian, dahil nakasulat sa bibliya na bawal ang bakla at tomboy dahil iyon ay makasalanan. Ngunit kong para sa akin kong ano ka man at kong ano ang gusto mo, kong saan ka masaya yon ang sundin mo. Dahil tayo ay iisa, tayo ay may karapatan, tayo ay hindi hayop. Lahat tayo ay may mga panindigan, ang bawat isa ay may puwang at silbi sa buhay.

Comments

Popular posts from this blog

Iskwater Ni Luis G. Asuncion Mula sa Ani: Panitikan ng Kahirapan

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY Fr. Albert Alejo, SJ (Para sa sektor nating pumapatay ng tao)