Iskwater Ni Luis G. Asuncion Mula sa Ani: Panitikan ng Kahirapan
1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay?
Sentral na paksa ng sanaysay ay ang tungkol sa kahirapan
2. Mayroon bang paksa na ‘di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng
halimbawa.
Wala, dahil may tuwiran na itong pahayag dahil mismong nagsasalita ang nagsambit ng nasabing pahayag, at ipinapakita niya sa kanyang tinatalakay ang kalagayan nila sa iskwater.
3. Ano ang layuninng may-akda sa pagtalakay sa paksa? Ipaliwanag
Layunin ng may akda na ipahatid ang mensahe tungkol sa tunay na itsura o sitwasyon ng kahirapan at kung paano nagiging importante ang pagmamahal sa pamilya sa kahit anumang hamon sa buhay ang dumating.
4. Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit?
Para sa akin, maganda ang istilo ng pagpapahayag ng may akda, ginagamit din ito ng mga matatalinghagang salita. Kaya malinaw ito para sa mambabasa hindi lang sa anyo ng mga salita kundi nakakaaliw itong basahin. Nagbibigay ng mga halimbawa kong kaya't madali ko itong maintindihan, ipinapakita at ipinapahayag ng mabuti ang bawat teksto kaya madaling maintindihan ng mga kapwa ko mag-aaral.
Ano-ano naman ang mga hindi mo sinasang-ayunan? Bakit?
Sinabi sa sanaysay na ilang beses na nagbanta ang pamahalaam na idemolis ang mga bahay doon at gusto ko ang ideyang ipaglaban ito na walang dumadanak na dugo ngunit sa pamamagitan ng matiwasay na pakikipag-usap sa may katungkulan dahil kunti lang ang buhay na mawawala, hindi gaya ng magulong pag dedemolis kung magsasagupaan ang dalawang parte madaming masasaktan at mamatay. Ang hindi ko naman sinasang-ayunan ay ang pagtira ng mga mayayaman sa mapayapang munting tahanan ng mga mahihirap sa iskwater dahil sila mismo ang nag dudulot ng ingay sa pamamagitan ng pagtugtog ng kanilang komponent.
5. Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto?
Ipaliwanag.
Nakakaugnay sa paraang gagawin mo ang lahat para lang mabuhay, para lang malagpasan ang buong araw. Gaya ng mga tao sa iskwater na gustong-gusto ng umalis sa lugar na iyon ngunit hindi nila magawa dahil hindi rin darating ang ipinangako ng gobyerno na ibibigay sakanilang bagong tahanan na patuloy parin silang nagtitiis magkaroon lang ng tahanan at mabuhay, nakakaugnay ako sa paraang sa buhay ko din ay may mga ninanais akong mangyari sa aking buhay ko na malamo ko mang makamit ay ipinagpapatuloy ko pa rin siyang ipaglaban kahit minsan natutumba ay nandyan pa rin upang tiisin ang hamon ng buhay.
6. Gaano kahalaga ang pagtalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konsepto
ng iskwater? Nabago ba nito ang pananaw mo sa kahulugan ng
iskwater? Ipaliwanag.
Marami kasing mga tao ang hindi naiintindihan kung ano nga ba ang meron sa iskwater, yung iba akala nila sa iskwater nandoon lahat ng kriminal, madumi, kadiliman at iba pa. Pero dahil sa pagtalakay sa sanaysay na ito nabubuksan ang ating isipan kung ano ba talaga ang meron sa iskwater. Parehas parin ang aking pananaw at nalalaman tungkol dito dahil alam ko na maliban sa sobrang hirap ng buhay dito, naiintindihan ko sila kung bakit nila pinaglalaban ang kanilang tahanan na nakatirik sa lupaing hindi nila pagmamay-ari ito ay dahil iyon na lang ang natatanging pag-asa nila upang mabuhay. At dumagdag na lang sa aking kaalaman na mayroon palang mga mayayaman na nakatira sa iskwater. Kaya’t sa pamamagitan ng sanaysay na ito makikita natin ang tunay na kalagay sa iskwater at bakit gusto nilang mapanatili ditto.
7. Paano maiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan?
Ipaliwanag
Kung hahanapin mo ang salitang “squatter” sa google ay makikita mo agad ang mga lalabas na impormasyon ay mababasa mo ang bansang Pilipinas, dahil madami pa rin sa ating bansa ang naninirahan sa iskwater dahil sa wala silang mapag tirikan ng kanilang barong-barong o wala talaga silang matinong tahanan. May mga mayayaman din talaga na sa iskwater nakatira upang makaiwas sa pagbabayad ng buwis. Madalas sa iskwater din nakatira ang mga mayayamang kriminal o negosyante na gumagawa ng illegal para doon sila ay magtago. Ang mga teksto na nandito ay base sa tunay na larawan ng lipunan sa ating bansa na kailanma’y hindi magawang resolbahin ng ating gobyerno.
Comments
Post a Comment