"Isang Dipang Langit" ni Amado V. Hernandez

 1. Basahin at suriin ang mensahe ng tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado V. 

Hernandez.

- Suriin kung anong uri ng tula? Anong Teoryang pampanitikan ang angkop 

gamitin sa pagsusuri?

           Ang uri ng tula ay tulang salaysay, ang gamiting teoryang pampanitikan ang gamitin ay ang 

- Anong taglay na diwa/tema ang inilalarawan ng persona sa tula.

         Ipinapakita ng tulang ito ang kalungkutan na nadarama ng nagsasalita dahil sa kanyang pagkabilanggo. Ipinaramdam ng tula ang hirap na dinanas ng isang bilanggo at ang kanyang hangaring makalaya.

- Piliin ang pinakamagandang saknong na iyong nagustuhan at bigyan kung 

bakit mo ito napili.

      Ang pinakamagandang saknong na aking  nagustuhan ay ang "Ang tao’t Bathala ay di natutulogat di habang araw ang api ay api,tanang paniniil ay may pagtutuos,habang may Bastilya’y may bayang gaganti." Yan ay sa ika- siyam na saknong kong saan ito ay nangangahulugan na kahit siya'y matanda na sa bilangguan ay hindi pa rin siya sumusuko na baka siya'y makalabas dito. Dahil buhay pa siya, ay umaasa pa rin sya na may pag-asa kahit masakit sa puso, natatakot at nahihirapan. Dahil buhay siya at may nakikitang pag-asa, kahit na may problema mang dumating, kakayanin at wag susuko. Ito rin ay isang halimbawa bilang isang tulad kong mag-aaral.

2. Ipakilala ninyo sa akin si Amado V. Hernandez sa loob ng 50 na salita. 

       Si Amado V. Hernandez ay makata, nobelista, mandudula at  peryodista. Itinanghal na orden ng mga Pambamsang Alagad ng Sining sa larangan ng panitikan. Nagsulat din siya sa ilalim ng pangalang Herinia dela Riva, Amanta Hermani at Julio Abril.Isinilang siya noong 13 Styembre 1903 sa Tondo, Maynila. Siya ay supling nina Juan Hernandez at Cara Vera. Napangasawa niya si Honorata”Atang” dela Rama at tinaguriang “Reynang Kundiman” na napabilang din sa Orden ng Pambansang Algad ng sining. Nag-aral si Hernandez sa Manila High School sa Cagalangin, Tondo, Maynila,at sa American Correspondence School at don niya nakamit ang titulong, batsilyer sa sinig.Nagsimula niyang tangkilikin ang pagsusulatbilang journalist at editor ng pre-WWII tagalong newspaper, gaya ng watawat, Pagkakaisa, Mabubuhat, Sampaguita, at iba pa.Naging kaibigan din niya sina Jose Corazon de Jesus, Florentino Collantes at Deogracias Rosario.

        Ang ilan sa kanyang tulang katha ay “ Sariling Hardin “ sa pagkakaisa mula 1926-1932,” Kung Tuyo Na Ang Luha Mo Aking Bayan”, at iba pa.Siya ay nanalo rin ng maraming beses. Noong 1925 tinagurian siyang “Makata ng Ilaw at Panitik”. “Wala ng Luha”, 1931 nanalong 2 Gold Medal; Republic Cultural Heritage Award para sa “Isang Dipang Langit”, 1962; ang NPC-ESSO Journalism Award para sa nobelang “ Luha ng Buwaya”, 1963 at marami pa ang natanggap niya ang National Arttist Prothumously noong1973 para sa kanyang kontribusyon sa Development of Tagalog Prose.

3. Gawing maikling kuwento ang tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado 

Hernandez.

- Ang maikling kuwento ay halaw sa Isang Dipang Langit.

Isang Dipang Langit

Ni Amado Hernandez

         May mag pamilyang nakatira sa maliit na bahay. Ang Pamilyang Maampo. Si tatay Juanito ay nagkakayod para sa kaniyang mga anak. Nagtatrabaho siya bilang isang tinderi ng gulay. Maaga siyang gumising at maglalako ng gulay para ipakain sa kanyang pamilya. Si nanay Rosa naman ay walang trabaho sa loob lamang siya at nag aaruga sa kanilang mga anak, minsan siya ay naglalaba rin sa iba.

       Isang araw habang siya ay naglalakad, isang sasakyan ang napakabilis, na tumakbo at may biglang dumaan na isang bata, at nabangga ng sasakyan. Laking gulat ni tatay Juanito siya'y naawa sa bata dahil ka edad lamang iyon ng kanyang anak. Hindi lang man huminto ang sasakyan at dumiritso lng ng walang nangyari. Tinulungan ni tatay Juanito ang bata ngunit wala na itong buhay pagdating sa hospital. Pag- uwi ng bahay ni tatay Juanito siya ay may nakitang mga pulis sa bahay. At siya ay inaresto. Hindi niya maisip kong ano ang ginawa niya bakit may mga pusas siya. Hindi siya makapaniwala kong bakit siya ikinulong, na wala naman siyang kasalanan. At dahil siya ay mahirap lamang at wala siyang kapangyarihan. Siya ay nakagawa ng kasalanan na hindi niya naman ginawa.

      Labis na pighati ang naramdaman ni tatay Juanito sa mga pangyayari. "Paano na aking pamilya? Saan sila kukuha nang kanilang makakain sa araw- araw?, malungkot na sambit ni tatay Juanito. Nasa loob na ng bilangguan si tatay Juanito dito ay may mga kalupitan hindi lamang sa kanya kundi sa iba pa, itinuturing sila na mga hayop. Sa bawat oras niya sa loob ng bilangguan ay napakatagal at patuloy ang kaniyang pagluluksa. At mapa-isip mo na ika'y nasa loob ng kabaong. Ang mga pangyayari sa loob ng bilangguan malayo sa  labas. Sila'y pinarurusahan ibibilad sa araw at ibabalik sa dilim kapag gabi na. May isang bilanggo na gustong tumakas at hinihikayat siya na sumama, dahil alam niyang pag sila'y nahuli kamatayan ang matatamo niya.

       Mga ilang taon ang lumipas tanggap na ni  tatay Juanito na siya'y hindi na makalabas sa kalagayan niya ay nasa impyerno . Ngunit minsan naiisip niyang walang susuko hangga't siya ay nabubuhay. Alam ni tatay Juanito na ang Diyos ay katabi niya lamang. Kahit na hindi niya ito makita, may tiwala at malaki ang pananalog niya rito. Alam niya sa kanyang sarili na hindi laging api ang mga naaapi. At sinabi sa kanyang sarili na hindi siya luluha bagkus ay hihintayin na lamang ang pagtatagumpay ng bayan.

Comments

Popular posts from this blog

Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryoni Rolando A. BernalesMula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat

Iskwater Ni Luis G. Asuncion Mula sa Ani: Panitikan ng Kahirapan

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY Fr. Albert Alejo, SJ (Para sa sektor nating pumapatay ng tao)