SANAYAN LANG ANG PAGPATAY Fr. Albert Alejo, SJ (Para sa sektor nating pumapatay ng tao)
Gabay sa Pagsusuri 1. Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi? Ang may-akda ang personang nagsasalita sa tula na si Fr. Albert Alejo, SJ, sa kadahilanang siya mismo ang nagsasalaysay sa kung paano ba pumaslang. Simula nang isilang tayo sa daigdig bilang tao, kasama na ring isinilang ang ating mga karapatan. Sinisiguro nito na magiging produktibo tayong bahagi ng lipunan at magiging ligtas ang pananatili saan mang bahagi ng mundo. Isa sa mga mahahalaga nating karapatan ay ang mabuhay nang tahimik o payapa. Sinisikap ng bawat pamahalaan sa mundo na mapanitili ang kaayusan at kapayapaan saan mang sulok ng daigdig. Dapat na mailayo sa kapahamakan ang bawat isa at makaiwas sa kriminalidad. Dumadaloy sa kaniyang tula ang pagsasalaysay tungkol sa pamamaraan kung paano pumatay ng isang butiki. 2. Ano’ng hayop ang pinapaslang sa tula? Paano ito natutulad sa pagpaslang sa tao? ...