Posts

Showing posts from November, 2021

Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryoni Rolando A. BernalesMula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat

Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales Mula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat Ang pagiging bakla ay habambuhay na pagkabayubay sa krus ng kalbaryo. papasanin mo ang krus sa iyong balikat habang naglalakad sa kung saan-saaang lansangan. ‘Di lagging sementado o aspaltado ang daan, madalas ay mabato, maputik o masukal. Mapalad kung walang magpupukol ng bato o mangangahas na bumulalas ng pangungutya. Kailangang tiisin ang matatalas na sulyap o ang bulung-bulungan at matutunog na halakhak ‘Di kailangang lumingon pa, ‘di sila dapat kilalanin sapagkat sila’y iba’t ibang mukha: bata, matanda lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid, mayaman o mahirap, kakilala o ‘di-kakilala. Sinong pipigil sa kanila? Hindi ikaw. Anong lakas ang mayroon ka para tumutol? Makapaghihimagsik ka pa ba kung ang iyong mga palad at iyong paa’y ipinako nang lipunan sa likong kultura’t tradisyon at sa bulok na paniniwalang nagdidiktang ang pagig...

Babae ka Ni Ani Montano Inawit ng Inang Laya (Karina C. David at Rebecca A. Demetillo)

Image
Pagtataya: Narito ang gabay sa pagsusuri at huwag kalimutan na ilagay pa rin sa inyong ginawang blog ang mga sumusunod na sagot sa pagsusuri: 1. Paano inilarawan ang babae sa awit?        Inilalarawan ang babae sa awit bilang hinahangad, sinasamba at ipinagtatanggol. 2. Sang-ayon ka ba sa sinabi sa awit na ang babae ay ganda lang ang pakinabang at sa  buhay walang alam? Ipaliwanag.       Hindi ako sang- ayon sa sinabi sa awit na ang babae ay ganda lang ang pakinabang at sa buhay ay walang alam, dahil ang babae ay isang matapang, hindi lamang ang isang lalaki, ang babae ay hindi lamang ganda ang kanyang dinadala, kundi ang kanyang kasipagan. At ang mga babae ay  mas masasalakay dahil kadalasan ay mas mababa ang kanilang kinikita at mas mababa ang katayuan nila sa trabaho, at mas malamang na sila tanging naglalaan para sa kanilang mga anak.  Ngunit bilang isang babae ako ay may pakinabang dahil nagagawa ko ang kaya ring gawin ng iba. Nakak...